![]()
Nakabalik na sa bansa ang 34 pang Overseas Filipino Workers mula sa Saudi Arabia habang 65 iba pang inaasahang darating bukas.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, isinagawa ang repatriation kasunod ng kanselasyon ng mga biyahe mula at patungong Riyadh mula Manila dahil sa tensyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Yemen-based Houthi rebels.
Sinabi ng OWWA na ang 34 na OFW ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 lulan ng Qatar Airways Flight QR93 mula Doha matapos bumiyahe mula Al Qassim, Saudi Arabia.
Bago ang kanilang biyahe, pinagkalooban ng pre-flight orientation, transportation, food, temporary accommodation at tulong sa pagproseso ng mga dokumento ang mga OFW.
Pagdating sa bansa, pinagkalooban ang mga OFW ng airport assistance, transportation, temporary accommodation at assistance sa domestic flight.
Kabilang naman sa 65 OFW na inaasahang darating bukas ang 50 mula sa Al Qassim habang 15 OFW ay nananatili ngayon sa Bahay Kalinga at bibiyahe patungong Dammam.
