dzme1530.ph

DFA, KINUMPIRMANG WALANG PINOY NA NAAPEKTUHAN NG KAGULUHAN SA FRANCE AT ITALY

Loading

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na walang Pinoy na naapektuhan sa mass protests sa France at Italy.
 
Sinabi ito ni DFA Spokesperson Analyn Ratonel batay sa pinakahuling ulat mula sa Philippine Embassy sa Paris at sa Philippine Consulate General sa Milan.
 
Una nang nanawagan ang Philippine Consulate General sa Milan sa mga Pinoy na magpatupad ng ibayong pag-iingat dahil sa mga mararahas na protesta.
 
Kung maaari, pinaiiwas ang mga Pinoy sa malalaking grupo, mga protest areas at major city squares, lalo na sa gabi.

About The Author