![]()
Ngayong hindi na kasama sa articles of impeachment ang isyu sa misuse of confidential funds (CF), inaasahan ng prosekusyon na aakto dito ang Office of the Ombudsman.
Umaasa si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na kikilos ang Ombudsman para sampahan ng kaso si VP Sara Duterte dahil sa maling paggamit ng CF.
Una nang sinabi ng Ombudsman na sinisimulan na nilang i-evaluate ang mga ebidensya na konektado sa maling paggamit sa CF ng OVP at DepEd.
Para kay Adiong, hindi lamang simpleng isyu ng misappropriation ang CF, dahil pagwawaldas ito ng pondo ng bayan.
Tinukoy nito ang utos ng COA kay VP Duterte na isauli ang ₱73-M CF na illegal ang paggamit.
Aniya, hindi lamang sa impeachment court dapat sinisilip ang kasong ito kundi maging sa Sandiganbayan.
Hindi naman masabi pa ni Adiong kung kailan ibabahagi ng House prosecution sa Ombudsman ang lahat ng dokumento o ebidensya na may kaugnayan sa maling paggamit ng Confidential Funds.
