dzme1530.ph

1.9 MILYONG PASAHERO, INAASAHANG DADAGSA SA PITX PARA SA UNDAS BREAK

Loading

Inaasahan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang pagdagsa ng 1.9 milyong pasahero sa Undas break ngayong taon.

Sinabi ni PITX spokesperson Jason Salvador na inaasahang magsisimula ang pagdating ng mga pasahero sa terminal sa Oct. 25.

Aniya, taon-taon ay nadaragdagan ang mga pasahero sa PITX, lalo na ngayong accessible na ang LRT-1 PITX Station.

Papatak sa araw ng Linggo ang All Saints’ Day, Nov. 1, habang Lunes ang All Souls’ Day, Nov. 2, na kapwa idineklara bilang special non-working days.

About The Author