dzme1530.ph

DTI, TINIYAK ANG STABLE NA PRESYO, SAPAT NA SUPPLY NG BASIC GOODS AT BOTTLED WATER SA HARAP NG BANTA NG “SUPER” EL NIÑO

Loading

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang price increase para sa basic necessities at prime commodities, kabilang ang bottled water, sa harap ng banta ng “Super” El Niño.

Sinabi ni Trade Secretary Cristina Aldeguer-Roque na walang requests mula sa mga manufacturer para magtaas ng presyo sa ngayon.

Ginagarantiyahan din ng kalihim na sapat ang supply ng basic goods, kabilang ang bottled water, sa ngayon, sa kabila ng inaasahang tagtuyot dulot ng naturang phenomenon.

Hinihimok din ni Aldeguer-Roque ang publiko na huwag mag-panic at mag-hoard.

About The Author