dzme1530.ph

PCC, PINAGMULTA ANG ONION IMPORTERS NG RECORD NA 1.76 BILLION PESOS BUNSOD NG UMANO’Y CARTEL BEHAVIOR

Loading

Pinarusahan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang ilang onion importers at traders dahil sa cartel behavior na nagresulta sa pagsipa ng presyo ng lokal na sibuyas sa ₱800 per kilo noong 2022.
 
Pinagmulta ng PCC ang mga respondent ng record na ₱1.76 billion.
 
Kabilang sa mga kinasuhan dahil sa paglabag sa Philippine Competition Act ang isang freight forwarder, isang cold storage operator, at iba’t ibang onion importers, pati mga opisyal at may-ari ng mga kumpanya.
 
Sinabi ng competition watchdog na sa pamamagitan ng isinagawang raid noong Sept. 2023, alinsunod sa atas ng korte, nadiskubre na sistematikong nag-apply ang freight forwarder ng import clearances gamit ang magkakahiwalay na corporate identities.

About The Author