dzme1530.ph

ROLLBACK SA PRESYO NG GASOLINA, POSIBLE; PRESYO NG DIESEL, BAHAGYANG TATAAS

Loading

Magkakaroon ng rollback sa gasolina habang bahagyang tataas ang presyo ng diesel sa susunod na linggo.
 
Base ito sa paggalaw ng Mean of Platts Singapore at foreign exchange averages sa nakalipas na apat na araw.
 
Sa pagtaya, posibleng mag-rollback ang presyo ng gasolina ng ₱4 hanggang ₱4.20 kada litro.
 
Posible namang madagdagan ang presyo ng diesel ng ₱0.20 hanggang ₱0.40 bawat litro.
 
Nagkaroon umano ng bahagyang pagtaas sa presyo ng diesel dahil sa mababang suplay nito sa merkado.

About The Author