![]()
TINIYAK ni Senate President Pro Tempore Vicente Tito Sotto IIIs na hindi magagamit ang 2027 national budget para sa conviction kay Vice President Sara Duterte sa kanyang impeachment.
Sinabi ni Sotto na mabusisi at kritikal ang mga senador sa paghimay nila sa panukalang budget kaya’t hindi papayagan na magamit ito sa anumang iregularidad.
Binigyang-diin ng senate official na magkaibang usapin ang pagtalakay nila sa panukalang budget at sa impeachment ng Pangalawang Pangulo.
Iginiit pa ni Sotto na kung naging maingat sila sa pagbalangkas ng 2026 budget ay mas magiging krusyal sila sa pagtalakay sa 2027 national budget upang matiyak na hindi na mauulit ang mga kalokohan sa paggamit ng pondo.
Magpapatuloy din anya ang livestream nila sa mga diskusyon sa budget kaya’t mapapanood ito ng lahat at mababantayan.
