dzme1530.ph

VISAYAS GRID, MULING ILALAGAY SA YELLOW ALERT

Loading

Muling ilalagay sa yellow alert status ang Visayas Grid ngayong Huwebes dahil sa unavailability ng ilang power plants habang ang iba ay limitado ang kapasidad.
 
Sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines, ipatutupad ang yellow alert mula 5 PM hanggang 6 PM.
 
Sa datos, nag-o-operate ang Visayas Grid sa 2,557 megawatts habang ang peak demand ay 2,479 megawatts.
 
Paliwanag ng NGCP, may anim na planta ang nag-forced outage nitong Oktubre habang lima pa simula noong September.
 
Sa ngayon ay 17 planta ang tumatakbo sa limitadong kapasidad.

About The Author