dzme1530.ph

MAS MAHIGPIT NA INSPEKSYON SA SERVICE FIREARMS NG MGA PULIS, IPINAG-UTOS

Loading

Ipinag-utos ng Philippine National Police ang mas mahigpit na inspeksyon ng mga service firearms kasunod ng dismissal sa pulis na nagmamay-ari ng baril na ginamit sa school shooting sa Tacloban City noong Hunyo.
 
Ayon kay PNP Chief, Police General Melencio Nartatez Jr., nirerespeto at ipatutupad nila ang kautusan ng National Police Commission na sibakin na si Police Staff Sgt. Arla Ray Paciencia dahil sa grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.
 
Matatandaang ang kanyang baril ang ginamit ng kanyang pamangkin sa shooting sa San Jose National High School sa Tacloban City noong June 22.
 
Tatlong estudyante kasama ang shooter ang namatay sa insidente at ilang iba pa ang nasugatan.
 
Batay sa order ng NAPOLCOM, bigo si Paciencia na itago nang maayos ang kanyang baril na paglabag sa PNP regulations.
 
Sinabi ni Nartatez na bilang ama ng organisasyon, nalulungkot siya sa kinahinatnan ng insidente.
 
Binigyang-diin pa niya na walang puwang sa PNP ang kapabayaan at may katapat itong administrative sanctions.

About The Author