![]()
Umabot na sa mahigit 451,000 katao sa buong bansa, kabilang ang 215,000 na mga magsasaka at mangingisda, ang apektado ng El Niño.
Batay sa pinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 121,185 families o 451,889 individuals ang apektado sa Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Eastern Visayas, at Caraga.
Hindi naman bababa sa 215,386 na mga magsasaka at mangingisda ang apektado rin ng phenomenon.
Inihayag din ng NDRRMC na lumobo na sa ₱6.5 million ang halaga ng agricultural losses at damage ng El Niño.
Hindi rin bababa sa 109 cities and municipalities ang isinailalim sa state of calamity dahil sa nararanasang epekto ng El Niño phenomenon.