dzme1530.ph

KIM YONG-JI, SINORPRESA ANG FANS SA KANYANG PAGPAPAKASAL; SOUTH KOREAN ACTRESS, BUNTIS?!

Loading

Nasorpresa ang fans matapos isiwalat ni South Korean actress Kim Yong-ji ang pagpapakasal sa kanyang partner kamakailan.
 
Kasabay nito ay ang report na nag-anunsyo ng kanyang pagbubuntis.
 
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Yong-ji ang mga litrato mula sa intimate ceremony ng kanyang kasal.
 
Kabilang sa mga dumalo sa event ay mga co-star ng aktres sa “Tale of the Nine Tailed” na sina Lee Dong-wook, Kim Bum, Ryu Kung-soo at Hwang Hee.
 
Ipinasilip naman ni Bum ang kanilang reunion sa kanyang Instagram page at sinabing, “We have a new family member.”
 
Bagaman hindi agad tinukoy ni Yong-ji ang pangalan ng kanyang mister, iniulat ng Korean media outlet na Star News na isa itong Japanese at hindi celebrity.

About The Author