dzme1530.ph

MGA EBIDENSYANG ISINUMITE NG HOUSE PROSECUTION PARA SA MGA INIURONG NA ARTICLES OF IMPEACHMENT, HINDI IBABASURA

Loading

Mananatili sa kustodiya ng Senado at hindi sisirain o ibabasura ang mga ebidensyang isinumite ng House Prosecution Panel para sa mga iniurong na articles of impeachment.

Ito ay nakasaad sa ruling ni Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Escudero.

Sinabi ni Escudero na mananatili sa official roll o physical at digital archive ang lahat ng testimonya at mga dokumentong may kinalaman sa alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds at kaugnay sa grave threat.

Ihahanay ang mga ito depende sa classification kung maaaring isapubliko nang buo, ire-redact o tatakpan ang dapat pribadong impormasyon at kung dapat manatiling selyado.

Sa direktiba ni Escudero, iingatan ang pagsasapubliko ng mga ebidensya upang hindi malabag ang bank secrecy at data privacy.

About The Author