![]()
TINIYAK ng Malacañang na mabubusising mabuti ang mga programa at proyektong nakapaloob sa 2027 national budget na umaabot sa ₱7.2 trillion.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, matapos pumasa sa 3rd and final reading ang 2027 national budget sa Kamara, marami pang pagdaraanan ang panukalang budget.
Kailangan pa anyang itong pumasa sa pagsusuri ng Senado bago sumalang sa bicameral conference committee hearings.
Sinabi ni Castro na mahigpit ang bilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Budget and Management na ipatupad ang paghihigpit upang matiyak na magagamit sa tamang proyekto o programa ang pondo.
Iginiit ng opisyal na kung hindi tama ang mga dokumentong isusumite para sa isang proyekto o imprastraktura, walang feasibility studies at walang magpapatunay na dapat gawin ang proyekto ay hindi ito paglalaanan ng pondo.
