dzme1530.ph

DATING DPWH SECRETARY MANUEL BONOAN AT IBA PANG WHISTLEBLOWERS, SASALANG SA PAGDINIG NG KASONG PLUNDER LABAN KAY SEN. JINGGOY ESTRADA

Loading

Haharap si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan at iba pang whistleblowers sa kasong plunder ni Senador Jinggoy Estrada kaugnay sa flood control scam.
 
Una nang tinanggal si Bonoan bilang akusado sa kaso sa Sandiganbayan Fifth Division matapos ihayag ng Ombudsman ang intensyon na gawin siyang state witness.
 
Ayon sa prosekusyon, plano nilang iharap ang 21 testigo sa bail hearing ni Estrada na isasagawa mula October 20 hanggang November 12.
 
Dumalo kanina si Estrada sa pretrial ng kanyang kaso sa pamamagitan ng videoconference mula sa Quezon City Jail sa Payatas.

About The Author