dzme1530.ph

LIMANG TESTIGO, ISASALANG NG PROSEKUSYON SA KASO NI DATING PANGULONG RODRIGO DUTERTE SA ICC NGAYONG TAON

Loading

Plano ng prosekusyon sa International Criminal Court na isalang ang lima nilang testigo sa paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong taon.
 
Sinabi ni Senior Trial Lawyer Julian Nicholls, target nilang isalang sa paglilitis ang kanilang mga testigong may code numbers 1302, 1100, 1400, 1263 at 0009.
 
Sinuri na anya ng mga analyst ang libu-libong dokumento kaugnay sa pagkamatay sa operasyon ng pulisya at iba pang kasong may kaugnayan sa drug war.
 
Sa kanilang pagsusuri, nasa 3,422 ang sinasabing namatay dahil sa anti-illegal drug operations mula July 2016 hanggang November 2017.
 
Samantala, iginiit ni Defense Lead Counsel Peter Haynes na dapat pang suriin ng mga abogado ang mga dokumento kasabay ng pagkukuwestyon sa paggamit ng artificial intelligence sa summary nito.

About The Author