![]()
Mahigit kalahati ng mga Pinoy ang nagnanais na personal na tumestigo si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial laban sa kanya.
Ito ay batay sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong September 17 hanggang 24.
Lumitaw sa survey na 51 percent ng mga respondents ang nagsabing nais nilang sumalang sa witness stand si VP Sara habang 34 percent ang nagsabing hindi siya dapat mag-testify.
14 percent naman ng mga respondent ang undecided at one percent ang tumangging sumagot.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,400 adults sa buong bansa.
