dzme1530.ph

SOYBEAN MEAL IMPORTS, INAASAHANG TATAAS NG 10% SA 2027

Loading

Inaasahang lolobo ng 10% ang aangkating soybean meal ng bansa para sa susunod na taon dahil sa tumataas na demand mula sa poultry sector.

Sa report ng US Department of Agriculture (USDA), posibleng umabot sa 3.85 million metric tons ang soybean meal imports ng Pilipinas sa 2027, kumpara sa 3.5 million metric tons na tinaya para sa kasalukuyang taon.

Binago ng USDA ang kanilang import figures para sa Pilipinas at dinagdagan ng 200,000 metric tons ang inisyal na 3.65 million metric tons bunsod ng “increased demand prospects.”

Binigyang-diin ng international agency na ang patuloy na paglawak ng poultry sector sa Pilipinas ang magpapataas pa sa demand sa soybean meal.

About The Author