dzme1530.ph

71% NG MGA PINOY, AWARE SA ALEGASYON NG UNEXPLAINED WEALTH LABAN KAY VP SARA DUTERTE

Loading

71% ng mga Filipino adults ang nagsabing alam nila ang alegasyon laban kay VP Sara kaugnay sa unexplained wealth.
 
Lumitaw din sa survey na 39% ang nagsabi na hindi sila tiyak kung may katotohanan ang mga alegasyon.
 
Nasa 30% naman ang nagsabi na walang katotohanan ang mga alegasyon, 29% ang naniniwalang totoo ang mga ito at 3% ang walang sapat na kaalaman hinggil dito.
 
Lumabas din sa survey na 55% ang interesado sa impeachment trial habang 20% ang walang interes at 25% ang hindi makapagsabi kung interesado o hindi.
 
53% din ng mga respondents ang nagsabi na kaunti lamang ang alam nila sa impeachment case habang 35% ang may sapat na kaalaman at 6% ang halos walang alam.
 
Sa pagiging patas naman ng senator-judges, 60% ng mga respondents ang nagsabi na inaasahan nilang magiging fair ang ilang senador sa kanilang judgment.
 
20% naman ang naniniwala na magiging patas ang lahat ng senador at walang papaborang sinuman habang 17% ang naniniwalang magiging unfair ang mga mambabatas.

About The Author