![]()
Binalaan ng National Capital Region Police Office ang mga motorista sa modus ng ilang scammers sa pagpapanggap na law enforcement agents at nangongolekta.
Sa impormasyon ng NCRPO, modus ng mga scammer ang pagpapadala ng text messages o mensahe sa iba pang online platforms ng mga traffic notices na may kasamang kaduda-dudang mga links na babayaran ng motorista kaugnay sa kanilang traffic violation.
Pinayuhan ni NCRPO Officer in Charge Police Brig Gen Christopher Abrahano ang publiko na maging mapanuri sa mga natatanggap na mensahe upang hindi mabiktima ng mga manloloko.
Ang dapat anyang gawin ay agad i-report sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang mensahe at i-save ang mga ebidensya na magagamit ng mga awtoridad sa kanilang imbestigasyon.
