![]()
Tumama ang magnitude 5.0 na lindol sa Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, kung saan naramdaman din ang pagyanig sa iba’t ibang lugar sa Southern Mindanao.
Ayon sa PHIVOLCS, 11:21 kagabi nang maitala ang lindol na ang epicenter ay natunton 79 kilometers silangan ng Balut Island, at may lalim na 10 kilometers.
Naramdaman ang Intensity III sa Sarangani habang Intensity II sa Santa Maria, Davao Occidental.
Naitala naman ang Intensity I sa General Santos City; Kiamba at Malungon sa Sarangani; at Lake Sebu, T’boli at Tupi sa South Cotabato.
Sinabi ng PHIVOLCS na inaasahan ang aftershocks sa lindol na tectonic in origin.
