![]()
Physically present si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Chamber III sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, para sa ikaapat na status conference sa kanyang kasong crimes against humanity.
Itinakda ang conference para talakayin ang procedural matters sa kaso ng dating pangulo.
Ito ang ikalawang personal appearance ni Duterte sa court proceedings.
Huling nagpakita ang former chief executive nang isagawa ang ikatlong status conference noong September 16.
Una nang idineklara ng mga hukom na physically and mentally well si Duterte na humarap sa paglilitis at depensahan ang kanyang sarili.