dzme1530.ph

ICC PROSECUTION AT DEFENSE TEAM NI DATING PANGULONG DUTERTE, NAGKAINITAN SA DATASET NG MGA NAPASLANG SA DRUG WAR

Loading

Nagkainitan ang prosecution team ng International Criminal Court (ICC) at mga abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa dataset ng mga napaslang sa war on drugs.

Sa ikaapat na status conference ng ICC Trial Chamber III, tinanong ni Presiding Judge Joanna Korner kung sinuri ng prosekusyon ang bawat dokumento upang matiyak ang kahalagahan nito sa kaso.

Ayon kay ICC Senior Trial Lawyer Julian Nicholls, ni-review ng prosekusyon ang mga dokumento sa tulong ng mga eksperto.

Batay sa official record ng PNP, natukoy nila ang mahigit 3,400 na mga nasawi sa drug war simula July 2, 2016, hanggang Nov. 27, 2017.

Iginiit naman ng defense counsel ni Duterte na si Peter Haynes na dapat i-refile ng prosecution ang mga dokumento, bunsod ng pangamba na ginamitan ng artificial intelligence (AI) ang pag-review sa dataset.

Kinontra ni Nicholls ang alegasyon, kasabay ng paninindigan na mga tao ang sumuri sa mga dokumento.

About The Author