![]()
Bumuo na ng Special Task Group ang mga awtoridad sa Bicol upang imbestigahang mabuti ang kaso ng pagpatay sa media personality na si Adrian ‘Golden Boy’ Loterte.
Si Loterte, anchor ng online news platform na RBN News Television at blocktimer ng DWIZ FM, ay pinagbaril sa labas ng kanyang business establishment sa Barangay San Roque, Daraga, Albay.
Sa inisyal na pagsisiyasat, nagbabantay si Loterte sa kanyang bakery nang dumating ang dalawang lalaki.
Agad na pinagbaril ng isa sa dalawang lalaki si Loterte saka sila tumakas lulan ng Honda Click na motorsiklo.
Agad namang kinondena ng Presidential Task Force on Media Security ang insidente kasabay ng panawagan para sa masusing imbestigasyon.
