dzme1530.ph

BINI, NAGSUMITE NG TATLONG ENTRIES FOR CONSIDERATION SA 2027 GRAMMY AWARDS

Loading

Naghain ang nation’s girl group na BINI ng tatlong entries for consideration sa 2027 Grammy Awards.
 
Inanunsyo ng Star Music ang submission, kahapon, kasabay ng pagpapahayag ng suporta sa Pinay group, sa harap ng patuloy na pagdadala ng Filipino music sa mas malawak na audience.
 
Kabilang sa entries ng BINI ang “Unang Kilig” para sa newly introduced na Best Asian Pop Music Performance category.
 
Nakatakdang ilunsad ang naturang kategorya na kumikilala sa eligible recordings sa Asian pop music sa 69th Grammy Awards.
 
Ang “Parallel World” na inawit ng grupo mula sa DreamWorks Animation film na “Forgotten Island” ay isinumite rin para sa Best Song Written for Visual Media category.
 
Nagsumite rin ang BINI ng entry for reconsideration para sa Best New Artist.
 
Ang official nominees para sa 2027 Grammys ay iaanunsyo sa Nov. 16.

About The Author