dzme1530.ph

LACSON, BINALIKAN SA HAMONG PANGALANAN ANG MGA KONTRATISTANG SANGKOT SA MGA IREGULARIDAD SA MGA PROYEKTO SA TAGUIG CITY

Loading

BUMALIK kay Senador Panfilo “Ping” Lacson ang hamon nito kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na pangalanan ang mga kontratistang tinakot at hinarass umano kung hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon sa mga kontrata sa Taguig City.
 
Sa mga naunang pahayag, lumitaw na anim na kontratista ang nangakong makikipagtulungan sa imbestigasyon.
 
Gayunman, apat umano sa mga ito ang umatras at dalawa ang pumirma para sa pagsisiyasat.
 
Dahil dito, sinabi ng kampo ni Lacson na hindi bababa sa apat na kontratista ang posibleng maharap sa kasong plunder matapos tumigil sa pakikipagtulungan.
 
Matatandaang nitong Linggo, hinamon ni Lacson si Cayetano na pangalanan ang mga kontratistang umano’y tinakot na kakasuhan ng plunder.
 
Tinawag pa ni Lacson na “tale spin” ang alegasyon ni Cayetano at sinabing tila nagpapakita ito ng pagkataranta sa isyu.
 
Tugma naman ang mga bilang na binanggit ni Cayetano sa mga pahayag ni Lacson.
 
Sinabi ni Cayetano na may mga lumapit sa kanya tungkol sa umano’y pamimilit na papirmahin ang mga kontratista sa mga nakahandang affidavit.
 
Hindi niya pinangalanan sa publiko ang mga kontratista o ipinakita ang dokumentong tinutukoy.

About The Author