![]()
Tiniyak ng energy minister ng Saudi Arabia na gaganti sila sa pag-atake ng Houthi movement ng Yemen sa airports at oil and gas facilities ng kanilang kaharian.
Sinabi ni Prince Abdul Aziz bin Salman na seryoso ang mga nangyari sa mga nakalipas na linggo kaya magpapatupad din sila ng seryosong paghihiganti.
Noong Linggo ay isang lalaking Pakistani ang nasawi sa pag-atake sa terminal sa King Khalid International Airport sa Riyadh, ayon sa Saudi authorities.
Nangyari ito isang araw matapos targetin ng Houthi missile ang isa pang terminal na ikinasawi ng labintatlong katao.
Ikinatwiran ng Houthis na ang kanilang mga pag-atake ay paghihiganti sa anila’y “brutal Saudi aggression” sa mga lugar na kanilang kontrolado sa Western Yemen.
