![]()
Kinumpirma ng Department of Energy na may rollback sa presyo ng diesel habang tataas naman ang presyo ng gasolina, epektibo bukas.
Ayon sa DOE, mababawasan ang presyo ng kada litro ng diesel ng ₱3.01 habang tataas naman ang presyo ng gasolina ng ₱1.56 per liter.
Saklaw ng dagdag-presyo sa gasolina ang lahat ng grade nito kabilang ang regular unleaded, premium unleaded at high-octane unleaded.
Samantala, tataas din ang presyo ng kerosene ng ₱1.77 kada litro.
Ang magkahalong paggalaw ng presyo ng mga produkto ay bunsod ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
