dzme1530.ph

PAG-IBIG AT BCDA, NAGSANIB PWERSA PARA SA PABAHAY NG MGA MANGGAGAWA SA NEW CLARK CITY

Loading

Nakipag-partner ang Home Development Mutual Fund na mas kilala bilang Pag-IBIG, sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
 
Ito ay para sa pag-develop ng abot-kayang pabahay para sa mga Pilipinong manggagawa na malapit sa kanilang pinagtatrabahuhan.
 
Sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA), magbibigay ang BCDA ng access sa government land habang ang Pag-IBIG ang bahala sa pondo at housing expertise.
 
Una itong itatayo sa 14 hectares na lote sa New Clark City sa Tarlac, na binubuo ng 10-hectare property sa Bamban at 4-hectare property sa Capas.
 
Tinukoy din ng Pag-IBIG ang Camp John Hay sa Baguio City, ang Morong Discovery Park, at ang Poro Point Freeport Zone bilang posibleng project areas.

About The Author