![]()
Inanunsyo ni US President Donald Trump na nagkasundo ang Ukraine at Russia sa tinawag niya bilang “energy ceasefire.”
Ginawa ni Trump ang anunsyo, ilang oras matapos tutulan ni Ukrainian leader Volodymyr Zelenskiy ang pag-pressure ng US para matapos na ang pag-atake sa Russian refineries.
Sa social media post, sinabi ng US President na effective immediately ang energy ceasefire, subalit hindi na ito nagbigay ng iba pang detalye.
Nagbabala naman si Trump na huwag lalabagin ng dalawang partido ang kasunduan.
Una nang nanindigan si Zelenskiy na tanging Russia lang ang sanhi ng digmaan sa Europe.