![]()
Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatalaga niya kay PTV General Manager Lino Cayetano bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Office.
Papalitan ni Cayetano si Dave Gomez makaraang ma-bypass ito ng Commission on Appointments.
Unang itinalaga si Cayetano sa PTV 4 noong Hunyo kapalit ni Maria Lourdes Choa-Fagar.
Si Cayetano ay nagsilbi ring kinatawan ng ikalawang distrito ng Taguig-Pateros noong 2013 hanggang 2016 at alkalde mula 2019 hanggang 2022.
Nagtapos siya ng Mass Communication sa University of the Philippines at may diploma rin sa New York Film Academy.
