dzme1530.ph

BILANG NG MGA PINOY NA NASUGATAN SA PAG-ATAKE SA AIRPORT SA SAUDI, UMAKYAT NA SA APAT, AYON SA DMW

Loading

Umakyat na sa apat ang bilang ng mga Pilipinong nasugatan sa Houthi attack sa airport sa Saudi Arabia.

Kagabi, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na tatlo sa mga nasugatan ay kasalukuyang nasa intensive care unit habang ang isa pa ay nakatakdang i-discharge sa ospital.

Aniya, dalawa sa mga nasugatan ay nagta-trabaho sa airport habang ang dalawang iba pa ay mga pasahero.

Idinagdag ng kalihim na isa sa dalawang pasahero ay pauwi na habang ang isa ay kasama sa domestic flight sa Saudi.

Inihayag ni Cacdac na sa ngayon ay nagpapatuloy ang kanilang pag-contact sa pamilya ng mga nasugatang Pinoy.

Una nang iniulat ng Saudi Arabian Civil Aviation na labindalawa ang nasawi habang 309 ang nasugatan sa pag-atake sa King Khalid International Airport sa Riyadh.

Ang mga nasawi ay kinabibilangan ng apat na Saudi citizens, dalawang Bangladeshis, isang US citizen, isang Egyptian, isang Jordanian, isang Syrian, isang Palestinian, at isang Sudanese.

About The Author