dzme1530.ph

BATANGAS 1ST DISTRICT REP. LEANDRO LEVISTE, NAIS BUMALIK SA BANSA AT PERSONAL NA HUMARAP SA KORTE

Loading

Nais ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na bumalik sa bansa at personal na humarap sa korte para maglagak ng piyansa sa kanyang kasong paglabag sa Public Service Act.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Tony La Viña, tagapagsalita ng kongresista kasunod ng paglalabas ng arrest warrant laban kay Leviste.

Kasabay nito, binigyang-diin ni La Viña na para sa kanya ay maliit lamang ang kaso.

Katunayan, sinabi ni La Viña na nagtakda ang korte ng 72,000 pesos na piyansa para sa kaso na maliit lamang na penalty.

Sa ngayon ay nasa France pa si Leviste kasama ang ina na si Senador Loren Legarda na nagpapagamot dahil sa sakit sa baga.

About The Author