dzme1530.ph

SAMPU KATAO, SUGATAN SA KNIFE ATTACK SA ISANG PAARALAN SA POLAND

Loading

Sampu ang sugatan sa knife attack sa isang paaralan sa Ostroleka sa northeastern Poland.

Ayon sa Masovian Regional Governor, kabilang sa mga nasugatan ang disinuwebe anyos na suspek na nasa kustodiya na ng pulisya.

Sinabi ng gobernador na hindi naman malubha ang naging tama ng limang estudyante, dalawang guro, at dalawang bystanders, maging ng suspek na nasugatan ang sarili.

Sa imbestigasyon ng pulisya, estudyante sa vocational school for teenagers ang suspek na umatake gamit ang itak.

Hindi pa malinaw kung ano ang motibo ng suspek sa pag-atake.

About The Author