![]()
Isinumite na ng legal team ni Vice President Sara Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) ang affidavit para kontrahin ang paratang ng dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr.
Una nang isiniwalat ni Gracioso na nag-deliver umano ito ng male-maletang pera na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso sa Bise Presidente.
Ayon sa legal counsel ni Duterte na si Atty. Clifford Chua, na siyang naghain ng affidavit, mayroong grounds para kasuhan ng perjury si Gracioso, subalit depende ito sa Bise Presidente.
Itinanggi ni VP Sara na tumanggap siya ng pera, tsokolate, o mamahaling bag mula sa dating pulis.
Binigyang-diin ng Vice President na hindi siya direktang malalapitan ni Gracioso dahil sa mahigpit na protocol na ipinatutupad ng Presidential Security Group para sa kanyang pamilya magmula nang manungkulan ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.
