dzme1530.ph

PAGDALO NI PANGULONG MARCOS SA FORMULA 1 RACE, MAGBUBUKAS NG MGA OPORTUNIDAD SA PILIPINAS, AYON SA ENVOY

Loading

Magbubukas ng mga oportunidad para sa Pilipinas ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Formula 1 race sa Singapore.

Ayon kay Philippine Ambassador to Singapore Medardo Macaraig, inimbitahan ni Singaporean Prime Minister Lawrence Wong si Marcos at walang babayarang ticket ang Pangulo.

Inamin ni Macaraig na mahirap mawala sa naturang event dahil marami tayong mapapalampas na oportunidad na maaaring samantalahin ng ibang mga lider na naroon.

Sa ngayon ay nasa Singapore si Pangulong Marcos para sa working visit kung saan inaasahang tatalakayin din niya ang ASEAN chairship kasama si Wong, dahil ang susunod na ASEAN chair sa 2027.

Magsisimula ang Formula 1 Singapore Grand Prix sa Oct. 9 at ang main race ay itinakda sa Oct. 11.

About The Author