![]()
Itinanghal na biggest winners ang SB19 at BINI sa second edition ng Filipino Music Awards, na ginanap kagabi sa Pasay City.
Naiuwi ng BINI ang Artist of the Year Award, gayundin ang Tour of the Year para sa kanilang “Signals World Tour 2026.”
Sina Maloi at Jhoanna lamang ang present sa event at tumanggap ng awards para sa grupo.
Samantala, napanalunan ng SB19 ang People’s Choice – Artist and People’s Choice, para sa kanyang “VISA,” gayundin ang Concert of the Year para sa “Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale.”
Para sa Legacy Awards, ipinagkaloob kay Asia’s Songbird Regine Velasquez ang Lifetime Achievement Award, habang kinilala sa pamamagitan ng Posthumous Tribute Award ang yumaong master rapper na si Francis M, na tinanggap naman ng kanyang biyuda na si Pia at anak na si Maxene Magalona.
