![]()
Matapos madepensahan ang kanyang Asian Games pole vault title sa katatapos lamang na 2026 Asian Games, target ni EJ Obiena na bumalik sa Olympics.
Simula January ay sumasabak na si Obiena sa iba’t ibang panig ng Europe at China, kung saan nakaipon na siya ng siyam na medalya bago lumipad patungong Nagoya, Japan para sa 20th Asian Games.
Pinangunahan ng Olympic pole vaulter ang podium sa Asiad para sa kanyang 10th gold sa 2026 season, habang nagtakda ng bagong Games record na 5.91 meters.
Itinuturing ni Obiena ang kanyang 2026 campaign bilang springboard patungo sa next season at sa 2028 Los Angeles Olympics.
Idinagdag ng 30-year-old athlete na “L-A is the goal” at bagaman hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa hinaharap, sinabi niya na “If I could, I would.”
