![]()
Inihayag ni Impeachment Court Spokesman Atty. Reginald Tongol na posibleng hanggang December 16 ay makapaglabas na ng verdict ang mga senator-judges sa kaso ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Tongol na batay sa mabilis na itinatakbo ng trial, matatapos hanggang bago mag-holiday recess ang Kongreso o sa ikalawang linggo ng Disyembre at hindi na aabot hanggang sa Pebrero o Marso.
Iginiit ng tagapagsalita na mabilis ang paglilitis dahil binawasan ng prosekusyo ang kanilang mga testigo.
Idinagdag pa rito, nakikita aniya ng impeachment court na kakayanin ng prosekusyon na tapusin ang presentasyon ng lahat ng balak na testigo para sa Article 2 hanggang sa susunod na linggo.
Mula sa Lunes ay magiging maghapon na ang trial kaya’t maaaring makapagpresinta ng dalawang testigo kada araw.
Nakalingya sa susunod na Linggo ang presentasyon ng mga opisyal ng Anti-Money Laundering Council, mga bangko at insurance companies at Bureau of Internal Revenue.
Mas mapapabilis pa ang trial kung tuluyan nang hindi ipiprisinta ng prosecution ang Article 3 o ang isyu sa bribery.
