dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, PINANGUNAHAN ANG PAGPAPANUMPA SA BAGONG PROMOTE NA TEACHERS SA CAGAYAN VALLEY

Loading

Kabuuang 4,244 promoted teachers and non-teaching personnel sa Cagayan Valley ang pormal na nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Santiago City Sports Arena.
 
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang naturang event ay implementasyon ng Expanded Career Progression (ECP) System ng administrasyon na idinisenyo para palakasin ang regional workforce at basic education support.
 
Pagkatapos nito ay binisita ng Pangulo ang Patul Elementary School sa Santiago City para saksiha[ n ] ang school feeding program para sa learners.
 
Ininspeksyon din ni Marcos ang mga pasilidad at kondisyon ng paaralan kasunod ng maikling meeting.
 
Pinangunahan din ng Pangulo ang pamamahagi ng metal detectors sa mga paaralan sa rehiyon upang paigtingin ang seguridad sa mga eskwelahan.

About The Author