![]()
Darating sa Pilipinas si Polish Presidente Karo Nawrocki para sa state visit simula sa Oct. 5 hanggang 8, para sa “significant milestone” ng Philippines-Poland relations.
Ito ang unang pagkakataon na bibisita sa bansa ang head of state ng Poland.
Inaasahang magpapalitan ng pananaw sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Nawrocki tungkol sa regional at international developments.
Posibleng talakayin din nila ang kooperasyon sa defense and security, trade and investment, agriculture, science and technology, information and communications technology, legal cooperation, tourism, at people-to-people exchanges.
Pormal na naitatag ang diplomatic relations ng Pilipinas at Poland noong Sept. 22, 1973.
