![]()
Ibinasura ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pahayag ng Chinese Embassy na mayroon silang sovereignty at hurisdiksyon sa karagatan ng Batanes.
Kasunod ito ng pagtataboy ng Philippine Coast Guard (PCG) kamakailan sa isang barko ng China malapit sa Cabra Island sa Mindoro.
Nanindigan ang DFA na nagsasagawa ang PCG ng lehitimong operasyon nang tumugon sa hinihinalang unauthorized Marine Scientific Research (MSR) activity sa katubigan ng Batanes.
Sinabi ng ahensya na na-detect ang Chinese research vessel na Jia Hai Ke 7, 37 nautical miles northwest ng Itbayat, Batanes, sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Binigyang-diin ng DFA na ang Chinese research ay isinagawa nang walang permiso ng Pilipinas na required sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
