dzme1530.ph

PITONG MINERO, PATAY SA GAS POISONING SA BENGUET

Loading

Pito katao ang napaulat na nasawi kasunod ng hinihinalang gas poisoning sa loob ng mining tunnel sa Itogon, Benguet, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Sinabi ni MDRRMO Head Engr. Cyril Batcagan na ang pitong biktima ay mga minero na nasawi kasunod ng toxic gas na naipon sa loob ng tunnel.

Bagaman hindi pa malinaw ang eksaktong sanhi ng insidente, posible aniya na naipon ang gas sa loob ng tunnel bunsod ng poor ventilation.

Nadiskubre ang insidente matapos mabigo ang pitong minero na bumalik, dahilan kaya pumasok na sa tunnel ang iba pa nilang mga kasamahan.

About The Author