![]()
Isinumite ng International Criminal Court (ICC) Registry ang mga dokumento at annex, kabilang ang inamyendahang E-Court Protocol sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na crimes against humanity kaugnay ng war on drugs bilang bahagi ng court regulations.
Alinsunod ito sa desisyon ng ICC Trial Chamber III na inisyu noong Sept. 28, 2026 para amyendahan ang E-Court Protocol.
Ayon sa ICC website, ang Registry ay isang neutral organ ng hukuman na nagbibigay ng serbisyo sa lahat ng organs upang makapag-function ang ICC at magsagawa ng patas at epektibong public proceedings.
Una nang ibinasura ng ICC Trial Chamber III ang hiling ni dating Pangulong Duterte na isama ang expert verification para sa open-source o user-generated evidence na isusumite sa Chamber.
