![]()
Inihahanda na ng Office of the Solicitor General ang kanilang depensa sa inihain na petisyon sa Korte Suprema na kumukuwestyon sa ipinagpalibang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sinabi ni Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, na gagawa na ng posisyon ang SolGen bilang abogado ng gobyerno sa petisyong inihain ni election lawyer Romulo Macalintal.
Nanindigan ang Malacañang na makatwiran ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa batas na nagpapalawig ng termino ng mga barangay at SK officials batay sa naging aksyon ng Kongreso.
Sinabi ni Castro na anuman ang magiging desisyon ng Korte Suprema ay susundin ng ehekutibo.
