dzme1530.ph

DENNIS TRILLO, NAGBAHAGI NG CRYPTIC POST TUNGKOL SA PAGHUHUGAS KAMAY

Loading

Nagbahagi si Dennis Trillo ng cryptic o misteryosong komento sa kanyang TikTok page na nakapukaw na naman sa atensyon ng netizens.

Kasunod ito ng “tell-all” ni Patrick Garcia tungkol sa past relationship nito kay Jennylyn Mercado na misis ni Dennis.

Ipinost ng Kapuso actor sa kanyang Memo No. 1 na may background song ng “Tabing Ilog” ng Barbie’s Cradle ang mga katagang “Kapag naghugas ka ng kamay sa kanal, lalo lang dudumi.”

Bagaman walang binanggit na pangalan, ilang netizens ang nag-ugnay sa naturang komento kay Patrick at sa interview dito kamakailan ni Ogie Diaz, kung saan nagsalita ang aktor tungkol kay Jennylyn sa kanilang anak na si Jazz.

Sumagot din si Dennis sa hamon ng isang TikTok user na magsuntukan sila Patrick, sa pagsasabing hindi siya pumapatol sa “Starfish,” na tumutukoy sa fictional character mula sa animated series na “SpongeBob SquarePants.”

About The Author