dzme1530.ph

DA AT NFA, HINIMOK NA TIYAKIN ANG KAHANDAAN SA PAGBILI NG PALAY

Loading

HINIMOK ni Senador Francis Kiko Pangilinan ang Department of Agriculture at National Food Authority na tiyakin ang kanilang kahandaan na bumilli ng palay diretso sa mga magsasaka sa mga lalawigang nangunguna sa produksyon ng bigas.
 
Ayon kay Pangilinan, hindi dapat matapos sa irigasyon at produksyon ang suporta ng gobyerno sa mga magsasaka dahil dapat tiyakin na may maaasahang merkado para sa kanilang ani.
 
Iginiit ng senador na dapat maglabas ang DA at NFA ng procurement readiness report sa bawat lalawigan bago ang darating na anihan.
 
Dapat umanong nakasaad dito kung saang mga probinsya handa ang gobyerno na bumili, gaano karaming palay ang kayang bilhin, magkano ang presyong iaalok, at gaano kabilis maisasagawa ang pagbili at paghahatid ng ani sa mga mamimili.
 
Binigyang-diin ni Pangilinan na mahalaga rin na may sapat na pondo, pasilidad, at tao ang nfa para sa pagtanggap, pagpapatuyo, pag-iimbak at pagbili ng palay.
 
Dapat din anyang isama sa report ang procurement targets at schedules, available funds, capacity ng mga storage facilities, payment turnaround, at aktwal na nabiling palay kumpara sa mga target.
 
Ayon pa sa senador, dapat maging transparent at predictable ang sistema upang makapagplano nang maayos ang mga magsasaka sa kanilang pagtatanim at produksyon.

About The Author