![]()
Malapit nang ihain ng Department of Justice (DOJ) ang petisyon para sa extradition ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy sa Estados Unidos.
Sa press briefing, sinabi ni Justice Secretary Frederick Vida na nasa final stages na sila at halos handa na silang ihain ang petisyon.
Ayon sa DOJ, ihahain ang petisyon sa isang local trial court.
Noong Agosto ay hiniling ng US government sa bansa na i-extradite si Quiboloy dahil sa sex trafficking at racketeering charges na kinakaharap nito sa Amerika.
Una nang nagpahayag ng kumpiyansa si Chief State Counsel Dennis Chan na kakatigan ang petisyon ng DOJ, basta naabot ang requirements sa ilalim ng extradition treaty.
