dzme1530.ph

MGA AHENSYA NG GOBYERNO, INATASANG MAGLATAG NG PAGHAHANDA SA SUPER EL NIÑO

Loading

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na magpatupad ng mga kaukulang paghahanda sa inaasahang epekto ng super El Niño.
 
Ayon kay Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, nais ng Pangulo na tiyakin ng mga ahensya ng gobyerno na maiiwasan ang kakapusan sa tubig at matinding tagtuyot.
 
Sinabi ni Castro na naghahanda na rin ang Department of Environment and Natural Resources upang matiyak ang supply ng tubig, maiwasan ang sunog sa mga kagubatan, makatipid sa enerhiya, maprotektahan ang mga empleyado laban sa matinding init at mapalakas ang koordinasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno.
 
Kasama sa mga naghahanda na ngayon ay ang Department of Agriculture, National Irrigation Administration, Department of Energy at Department of Budget and Management upang matukoy kung kailangan ng dagdag na pondo para sa inaasahang super El Niño.

About The Author