dzme1530.ph

MGA SUNDALONG NAKA-DESTINO SA BRP SIERRA MADRE, NANANATILING MATAAS ANG MORAL SA KABILA NG PANG-AABALA NG CHINA

Loading

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sapat ang supplies ng mga sundalong lulan ng BRP Sierra Madre, sa kabila ng rescheduling ng Rotation and Resupply (RORE) mission, kasunod ng pang-aabala ng Chinese vessels.

Sinabi ni AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na nananatiling mataas ang moral ng mga sundalo, at sanay sila na hindi kaagad nakauuwi.

Nito lamang Sept. 24 ay inabala ng mga barko ng China ang Philippine RORE mission sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Tarriela, dati ay nasa 15 nautical miles ang layo ng Philippine vessels mula sa BRP Sierra Madre bago maka-engkwentro ang China Coast Guard at People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessels.

Gayunman, sa pinakahuling misyon, nilapitan ng Chinese ships ang mga barko ng Pilipinas, ng halos one nautical mile, habang nagpapadala ng mga mensahe ng pagbabanta.

About The Author